afan's posts with tag: yanbu

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Blog Entryayoko mang tanggapin, mami-miss kita.Jan 18, '08 2:11 PM
for everyone

pakshet! masayang-malungkot ako ngayon. may natanggap akong balita kahapon mula sa opisina. bukas ay babalik na ako ng riyadh matapos ang siyam na buwan ko dito sa yanbu. haaaayyyy!!!! sa wakas, makakabasa na ulit ako ng english books na wala dito kse wlang bookstore na may english titles dito. madadalaw ko na ulit ang batha (Filipino market ng riyadh). maihahambing sa tutuban. bongga! sobarng matao. halos lahat ng makikita mo pinoy. at kahit mga ibang lahi e matatas mag-tagalog gawa ng panay pinoy mga kostumer. shet! na-e-excite tuloy ako. at makikita ko na ulit yung mga pinoy berks ko sa riyadh. yeheeeeyyy!

pero nalulungkot din ako. kahit papano e mami-miss ko 'tong yanbu. ang friday hyperpanda (supermarket) spree!  yung lang kse ang pasyalan ko dito. haaaaayyyy!!! khit pa may panda rin sa riyadh e iba pa rin ang panda dito. mami-miss ko ang red sea. waaaahhhh!!! khit bawal magtampisaw dun. ni di ko man lang na-experience ang lumublob dun sa isang free beach sa dulo ng bayan. huhuhuh! mami-miss ko din yung mga refineries. wala kseng refinery sa city (of course). mami-miss ko lahat....ampotah! naiiyak ako. waaahhhhh!!!! ang mga tao, ang hanging amoy krudo, and mga patay na ibon sa kalsada, ang tahimik na mga daan, ang usok, ang camp3 kung san ako nakalagak...ang mga naging kaibigan ko dito. shet! nung una sinusumpa-sumpa ko pa tong yanbu pero ngyon ang sikit ng dibdib ko lalo pa nung bumili ako kanina ng chipas-chipas na bag mula  sa hyperpanda, sa huling pagkakataon. paglalagyan ko ng mga nabili kong add'l na mga damit galing ukayan sa bayan sa nakalipas na mga buwan. ayoko na pakiramdam na 'to. tangina!

naalala ko tuloy nung una akong dumating dito. bwiseeet talaga 'tong yanbu. sobrang lungkot. kaya para mapaglabanan ko ang inis ko, pilit kong minahal tong yanbu. ampucha! ngyon tuloy nalulungkot ako.

ayoko naman dito pero naluluha pa din ako. potah!

gusto ko na lng umuwi para isang iyakan na lang.

sa loob ng dalawang buwan, mararamdaman ko na nman ulit 'to. sana huli na yun. :(

ayoko man tanggapin, pero mami-miss kita.

paalam, yanbu...


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.